FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, November 18, 2022

3 BIFF gunmen, sumuko sa militar

COTABATO CITY - Tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang sumuko sa tropa ng pamahalaan sa bayan ng Radjah Buayan sa lalawigan ng Maguindanao.

Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga armas - isang Garand rifle at dalawang Carbine rifles - sa 33rd Infantry Battalion sa tulong na rin ng mga opisyal ng barangay sa Zapakan at ng pamahalaang lokal. 

“Nangangamba sila sa kanilang kaligtasan dahil sa mas pinalakas na capabilities ng ating Sandatahang Lakas ang isa sa mga dahilan kung bakit sila nagbalik-loob sa pamahalaan at iwinawaksi na nila ang kanilang armadong pakikibaka,” ani Lt. Col. Benjamin Cadiente Jr., ang battalion commander. 

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang panawagan ni Maj. Gen. Roy Galido, commander ng 6th Infantry Division at Joint Task Force Central, sa mga natitira pang miyembro ng BIFF na magbalik-loob na sa gobyerno. 

“Handa ang ating pamahalaan na tanggapin kayo at bigyan ng kaukulang tulong para makapagsimula kayo ng bagong buhay,” wika ni Galido. 

Sa ngayon umaabot na sa 178 ang bilang ng mga sumukong BIFF mula buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyan. (Mindanao Examiner)



BP