‘Mga gobernador ng BARMM nagsumbong kay Pangulong Marcos’
COTABATO CITY – Hinihiling sa Malakanyang ng mga gobernador ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na madaliin ang pagdi-disarma o decommissioning process sa mga armadong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ang pagpapaliban ng barangay polls sa Oktubre dahil sa problema ng peace and order sa ilang lalawigan ng BARMM.
Naglabas ng pahayag sina Basilan Gob. Jim Salliman Hataman,
na kapatid ni Deputy Speaker Mujiv Hataman; Sulu Gob. Sakur Tan, Tawi-Tawi Gob.
Yshmael Sali at Maguindanao Gob. Mariam Sangki-Mangudadatu at ibinigay ito kay
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang pahayag ay isinumite matapos na tambangan ng
mga armado si Lanao del Sur G0b. Mamintal Adiong Jr sa bayan ng Maguing, na
kilalang kuta ng MILF. Sugatan si Adiong sa atake na ikinamatay ng kanyang apat
na security escorts at isang aide. Sa naturang bayan rin binihag ng MILF ang 39
na miyembro ng Special Forces ng Philippine Army kamakailan lamang.
Hiniling rin ng mga gobernador kay Marcos na
imbestigahan ang naturang ambush kay Adiong na naganap noong Pebrero 17.
Maging ang mga serye ng patayan at karahasan sa North
Cotabato, Maguindanao at Cotabato City ay inungkat rin ng mga gobernador dahil
sa pangamba ng publiko sa seguridad sa kanilang lugar na nasa ilalim ng
pamamahala ni Murad Ebrahim, ang pinuno ng MILF at ngayon ay gobernador ng
BARMM.
Matatandaaan lumagda ng peace agreement ang MILF at
pamahalaan noong 2014, subalit hindi naman isinusuko ng mga dating rebelde ang
kanilang mga armas at lalo pa umanong dumami ang mga miyembro nito at lumawak
rin ang mga kampo.
Sa kabila ng peace agreement, maraming mga grupo ng MILF rin ang
naglalaban-laban sa isa’t-isa at patunay lamang ito sa kaguluhan sa BARMM na
pinatatakbo ng dating mga rebelde. Hawak rin ng mga lider ng MILF ang
iba’t-ibang posisyon sa mga opisina at departamento ng BARMM.
Noong nakaraang taon lamang, hiniling ng MILF-Salamat wing sa pamahalaang
Marcos na magsagawa ng full accounting at audit sa bilyon-bilyong pisong pondo
ng BARMM at maglunsad ng lifestyle checks sa mga opisyal nito.
Sa ulat ng Rappler, sinabi ni MILF-Salamat wing chairman Abdulfatah
Delna na nasa P75-bilyon ang natatanggap ng BARMM bawat taon at dapat lamang na
magkaroon ng accounting sa nasabing kaban ng bayan.
“BARMM government must publish the whereabouts of
public funds it managed from its inception in March 2019…in accordance with the
law,” ayon pa sa pahayag ni Delna.
Maging si Eid Kabalu na dating spokesman ng MILF at ngayon ay hepe ng
political affairs ng MILF-Salamat wing, ay nagsabi sa Rappler na marami ang
dismayado sa pamumuno ni Ebrahim sa BARMM at maging kung paano ginagastos ang
pondo ng BARMM.
“There was growing dissatisfaction in the region
with the leadership of Ebrahim and his group, and there have been questions
about how the regional government spent the funds that it received. People are
asking about where the money went,” ani Kabalu sa Rappler.
Nanawagan ito sa pamahalaan ng magsagawa ng lifestyle
checks sa mga opisyal ng BARMM at isumite ang sarili sa “official inquiries
about their finances.”
Sa ulat ng Rappler, sinabi nito na: “Kabalu said
the MILF-Salamat wing enjoys the support of at least 10,000 people in the
BARMM, including MILF members and supporters who wanted those from their ranks
to occupy seats in the interim Bangsamoro Transition Authority which runs the
BARMM affairs. The MILF-Salamat wing said the “mainstream MILF” did not want to
“share the fruit of the struggle to its comrades and much more the Bangsamoro
people.”
Sa nasabing ulat, inalmahan naman ni Ebrahim ang
pahayag ni Delna at Kabalu at sinabi na ang MILF-Salamat wing ay “a misguided
group that was out to sow division in the MILF.”
“We are MILF and we are the Salamat wing in respect
to the governance in the BARMM… Our loyalty is to the Bangsamoro,” ani Delna.
(Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment