DAVAO CITY – Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hindi ito nagulat sa pagbagsak ng kanyang popularidad sa kabila ng kahirapang dinaranas ng mga Pilipino sa kasalukuyan dahil sa patuloy na paglobo ng mga presyo ng pangunahing bilihin, partikular ang bigas.
Parehong sumadsad ang popularidad nina Marcos at Bise
Pangulong Sara Duterte, ayon sa Pulse Asia Survey. Sa inilabas nitong survey
kamakailan lamang, sinabi ng naturang polling organization na ang pagbagsak ng
popularidad ng dalawang lider ay kasabay ng walang humpay na pagtaas ng presyo
ng mga bilihin, partikular ang bigas, at iba pa pang kadahilanan.
Ayon sa Pulse Asia Survey na isinagawa noong nakaraang buwan
sa 1,200 katao, bumagsak ng 15% mula 80% ang popularidad ni Marcos. Ang patuloy
na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at ang pangako ni Marcos na
tutugunan nito ang nasabing problema ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng
popularidad nito.
Ito rin ang unang pagkakataon mula ng mahalal si Marcos na
sumadsad ang kanyang popularidad. Si Marcos rin ang tumatayong Agriculture
secretary sa kasalukuyan.
Ang pagsadsad naman
ng popularidad ni Duterte ay natapat sa kontrobersyal na isyu ng kanyang
nakakalulang confidential at intelligence funds na binabatikos sa Senado at
Kongreso. Mula 84% noong Hunyo ay bumagsak ang popularidad ni Duterte sa 73%.
“It’s not surprising. People
are having a hard time,” ani Marcos.
Sinabi pa ni Marcos na hindi
mahalaga sa kanya ang resulta ng survey at ang importante aniya ay ang mga
hakbang na isinasagawa ng kanyang administrasyon.
“That’s why we’re working
very, very hard to make sure that this comes up again, not because of the
survey. That’s not important to me. What’s important to me is that we make sure
that people have enough to eat and that it is affordable to them,” wika pa ni
Marcos.
“I think we are slowly
heading there dahil ang supply natin ay napakaganda; ang distribution siguro
mayroon na tayong ginagawa doon sa pass-through para sa cost ng pag-deliver
nung bigas, lalo na sa mga malalayo. NCR is included there,” dagdag pa nito.
Wala naman pahayag si Duterte
ukol sa resulta ng survey. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment