FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, January 21, 2024

Pilipinas palaban na sa South China Sea

MANILA – Mistulang palaban na ngayon ang Pilipinas sa isyu ng South China Sea na kung saan ay walang tigil ang pambu-bully at harassment ng Tsina sa mga barko at mangingisdang Pinoy sa loob ng teritoryo ng bansa.

Ito ay matapos ihayag ni Armed Forces’ Chief General Romeo Brawner na mas patitibayin nito ang mga seguridad sa islang sakop ng bansa at kabilang dito ang Second Thomas Shoal o Ayungin Island na kung saan naroon ang nabubulok na barkong pandigma na BRP Sierra Madre at binabantayan ng mga sundalong Pilipino.

Isinadsad ng Philippine Navy ang naturang barko noong 1999 upang hindi manakaw ng Tsina ang nasabing isla na halos 120 milya lamang ang layo mula lalawigan ng Palawan.

Ilang beses na rin kinondena ng Amerika ang agresyon ng Tsina sa South China Sea at sinabing handa itong ipag-tanggol ang Pilipinas kung sakaling atakihin ng Tsina ang mga barko ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy sa naturang lugar. 

Bukod sa Ayungin Island, sinabi ni Brawner na may 8 pang ibang isla na sakop ng Pilipinas, kabilang ang Pag-Asa Island, na 300 milya ang layo sa Palawan, ang bibigyan ng kaukulang seguridad ng bansa.

Noong nakaraang buwan lamang ay ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos sa militar na maging handa sa pagtatanggol sa soberenya ng bansa, partikular sa agresyon ng Tsina sa South China Sea.   

 

“I have been in constant communication with our national security and defense leadership, and have directed our uniformed services to conduct their missions with the utmost regard for the safety of our personnel, yet proceed with a mission-oriented mindset. To our gallant service members, be assured of our utmost gratitude and fullest support. We remain undeterred,” ani Marcos.

“The aggression and provocations perpetrated by the China Coast Guard and their Chinese Maritime Militia against our vessels and personnel over the weekend have only further steeled our determination to defend and protect our nation’s sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction in the West Philippine Sea. The illegal presence in our waters and dangerous actions against our citizens is an outright and blatant violation of international law and the rules-based international order,” dagdag pa nito.

Iginigiit ng Tsina na sa kanila ang buong South China Sea at nagbanta pa ito sa Pilipinas na madadamay sa digmaan kung hindi isusuko ng bansa ang mga islang sakop natin. (Mindanao Examiner)



No comments:

Post a Comment