Inuulit din ang paglilinaw sa PhilHealth Advisory No. 2025-0009, na nilagdaan noon ding Pebrero 14, 2025, na hindi kinakailangan ng hiwalay pang accreditation para maihatid ang OECB Package dahil ang kakayahan ng mga Health Facilities para sa benepisyong ito ay kasama nang nasuri noong sila ay nabigyan ng PhilHealth accreditation.
Maaaring dumulog ang mga miyembrong hindi nakatanggap ng OECB sa PhilHealth 24/7 touch points: (02) 866-225-88; mobile numbers 0998-857-2957, 0968-865-4670, 0917-1275987 or 0917-1109812. (PR)
No comments:
Post a Comment