FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Wednesday, July 29, 2015

Kelot nanampal ng hostess, sinaksak!

ZAMBOANGA DEL NORTE – Isang 19-anyos na binata na lango sa alak ang nasaksak matapos nitong sapakin ang isang 55-anyos na receptionist ng karaoke bar sa Dipolog City sa Zamboanga del Norte province. 
Nabatid sa pulisya na bigla umanong nagwala si Radil delos Santos at sinapak nito si Gina Dagooc, 55, sa labas ng Cabaron KTV Bar kamakalawa ng gabi. Hindi pa umano nasiyahan ang binata ay pinagsisipa pa ang babae. 
Posibleng babae umano ang dahilan ng gulo. 
Sa puntong iyon, isang lalaki naman na nakilalang si John Carl Cabaron ang sumaklolo sa receptionist at pinagsabihan si Radil, ngunit hindi naman ito nagustuhan ng binata kung kaya’t nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa mauwi ito sa suntukan. 
Bumunot umano ng patalim si John at saka inundayan ng saksak si Radil sa katawan at saka mabilis na tumakas. Naisugod naman sa pagamutan ang biktima dahil sa tinamong mga sugat. 
Ayon sa pulisya kahapon ay sumuko na umano si John at kasama nito ang tiyang si Leslie Prieto. Nahaharap sa kasong criminal si John kung sakaling mag-demanda si Radil laban sa kanya. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News


No comments:

Post a Comment