PAGADIAN CITY – Maraming umanong mga estudyante sa elementarya ang nalason kahapon matapos silang bigyan at painumin ng pang-purga sa bulate na inilunsad ng Departmentt of Health.
Hindi pa tiyak ang tumpak na bilang ng mga nalason, ngunit sa inisyal na im pormasyon ay pumutok ito sa bayan ng Manukan, Pinan, Dipolog, Osmena, at Rizal sa Zamboanga del Norte; at sa bayan ng Tukuran, Bayog, Midsalip, Siay at Pagadian City sa Zamboanga del Sur. At may inulat rin bayan ng Lala, Maranding, at Kapatagan sa Lanao del Norte, at sa Iligan City.
Maaring malaking bahagi ng mga paaralan sa Mindanao ang apektado nito at posibleng libo-libo kundi daan-daang magaaral ang nalason. Hindi pa mabatid ang sangkap ng mga pamurga kung bakit nalason ang mga bata.
Sa Midsalip, sinabi ni Mecsjams Lariosa na tatlong anak at isang pamangkin nito ang nadale at marami pa umanong mga estudyante ang nadamay.
“Ipaalam ko lang na tatlo sa mga anak ko at isang pamangkin ko ang nalason dahil sa pinainom na pamurga ng mga teacher. Hindi lang silang apat ang nalason at marami silang mga batang estudyante sa Poblacion B. Midsalip Eelementary School sa Zamboanga del Sur ngayon pong umaga nangyari, sana pa-imbestigahan ang teachers doon lalo na yung pinapainom nila pamurga samga bata,” ani ng ginang.
May inulat rin na 10 estudyante ang namatay dahil sa gamot na ininom, ngunit itinanggi naman ito ng DOH sa kanilang Facebook page. Hindi naman agad makunan ng pahayag ang mga opisyal ng DOH sa Mindanao ukol sa naganap. Walang inilabas na anumang impormasyon ang DOH ukol sa gamot kontra-bulate at suppliers nito.
Ang pagpapainom ng pang-purga sa mga estudyante ay bahagi ng National School Deworming Day at target nito ang halos 16 milyon magaaral sa mahigit 38,000 paaralang-pampubliko sa bansa. (E. Dumaboc)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
No comments:
Post a Comment