FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Monday, August 10, 2015

‘Human trafficking’ victims nabawi sa Zambo

ZAMBOANGA CITY – Nasagip dito ng pulisya ang mahigit sa isang dosenang mga babae na ni-recruit diumano upang magtrabaho sa Malaysia.
Patuloy naman kahapon ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman kung sino ang recruiter ng mga ito. Nabawi sa dalawang hotel ang 18 kababaihan na karamihan ay galing pa sa Luzon at Visayas.
Hawak na ngayon ng mga social workers ang mga babae habang inaalam ng ahensya kung may iba pang mga biktima dito.
Hindi pa masabi ng pulisya kung sino ang utak sa recruitment ngunit pasok umano ito sa kasong ‘human trafficking’ matapos na mabatid na pinangakuan ng ibat-ibang trabaho ang mga biktima sa Sabah.
Naamoy umano ng pulisya ang planong pagpuslit sa Sabah kung kaya’t agad naman napigil ito. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News


No comments:

Post a Comment