LANAO DEL NORTE – Mataas ngayon ang tension sa bayan ng Pantar sa Lanao del Norte matapos na magsagupaan doon ang grupo ng mayor at vice mayor na kung saan ay isang katao ang inulat na nasawi at ilang iba pa ang sugatan.
Sa nakalap na impormasyon ng Mindanao Examiner Regional Newspaper, nabatid na nauwi sa barilan ang away nina Mayor Mohammad Exchan Limbona at kanyang Vice Mayor na si Mangundaya Tago dahil sa pulitika. Naisugod naman sa pagamutan sa Marawi City ang isang sugatan na nakilalang Jamail Magompara, 29.
Nahagip ito ng bala ng magsagupaan ang mga armadong grupo ng dalawang pulitiko na kung saan ay nasawi ang isang tiyuhin ng kapatid ng vice mayor.
Sinabi naman ni Col. Gilbert Gapay, ang commander ng Mechanized Brigade sa Iligan City, na political rivalry ang ugat ng kaguluhan. Nabatid na magkamag-anak rin ang dalawang magkatunggaling pulitiko, subalit hindi agad matiyak kung anong partido ang mga ito.
Tiniyak naman ni Gapay na under control ang sitwasyon at magiging payapa ang halalan sa susunod na taon. Ang Lanao del Norte ay tradisyonal na hot spot sa tuwing halalan. (E. Dumaboc at Cristina Diabordo)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
No comments:
Post a Comment