FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, August 8, 2015

Lalaki inutas ng kapit-bahay sa Zambo Sibugay

ZAMBOANGA SIBUGAY – Patay ang isang 30-anyos na lalaki sa bayan ng Titay sa Zamboanga Sibugay matapos itong barilin ng shotgun at saksakin pa sa kanyang likuran ng kapit-bahay dahil sa umano’y hinalang relasyon nito sa asawa ng suspek. 
Nadakip naman ng pulisya ang suspek na si Manuel Gadje, 31, matapos nitong paslangin si Arnold Panisa. Nabatid na pinuntahan ni Manuel ang biktima sa kanyang bahay kamakalawa ng umaga at doon ito kinompronta ukol sa hinala nito. 
Nauwi umano sa sagutan at matinding pagtatalo ang komprontasyon at doon na inilabas ni Manuel ang kanyang 12-gauge shotgun at pinasabugan si Arnold. Hindi pa ito nasiyahan sa ginawa ay bumunot pa ng hunting knife at saka inundayan ng saksak sa likuran si Arnold upang masigurong patay ito. 
Kasalukuyang nakapiit si Manuel sa himpilan ng pulisya sa Titay. Hindi pa mabatid kung magsasampa ng demanda ang pamilya ni Arnold, ngunit sinabi ng pulisya na may inihahanda na silang kaso laban sa suspek. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News


No comments:

Post a Comment