Ito ang tanawin matapos na mahulog sa dagat ang isang mini bus sa Barangay Sinunuc sa Zamboanga city. (Mindanao Examiner Photo - E. Dumaboc)
ZAMBOANGA CITY – Mahigit sa dalawang dosenang katao ang sugatan o nasaktan kahapon matapos na araruhin ng isang mini bus ang seawall at mahulog sa baybayin dagat sa Zamboanga City.
Galing umano sa sentro ng Zamboanga ang bus at patungo sa Barangay Talisayan ng sumalpok ito sa seawall sa Barangay Sinunuc. May 28 pasahero ang bus at agad naman itong nadala sa pagamutan.
Sinabi naman ng driver na si Edgardo Matillosa na nawalan umano ito ng giya matapos na mabali ang ehe ng gulong ng bus.
Paliwanag ni Matillosa na bigla umanong nag-locked ang kanyang manibela pagdating sa kurbada ng Sinunuc highway at hindi na niya nagawang mapahinto ang sasakyan kung kaya dumiretso ito sa dagat na nasa kaliwang bahagi.
"Bumalabag na yun gulong at nawalan na ako ng kontrol at sumalpok kami at mahulog sa Sinunuc," ani Matillosa na isa sa mga sugatan.
Nagiimbestiga naman ang pulisya sa naganap upang matukoy kung may pagkukulang ang driver at ang may-ari ng sasakyan.
Talamak ang mga jeep sa paglabag sa traffic laws sa Zamboanga at tila ‘ningas cogon lamang ang operasyon ng Land Transportation Office at Traffic Section ng lokal na pulisya sa kanilang kampanya kontra motorista na lumalabag dito.
Sa kabila ng pasulput-sulpot na operasyon nito ay tila bulag naman ang mga awtoridad sa mga pampasaherong jeep at mini-bus na walang humpay ang paglabag sa batas-trapiko.
Sa araw-araw na tanawin dito, kapuna-puna ang mga bumibiyaheng overloaded jeep at mini bus at bukod pa ang maraming mga pasaherong nakasakay sa ibabaw ng mga bubungan nito, subalit sa kabila nito ay dedma lamang dito ang mga awtoridad.
Hindi lamang peligro ang dulot nito sa mga pasahero kundi ang tahasang kawalan ng respeto ng mga tsuper sa naturang batas. Naunang idinahilan sa Mindanao Examienr ni LTO regional director Aminola Abaton na kulang sila ng tauhan kung kaya’t hindi maaksyunan ang mga paglabag na ito.
Maging ang City Hall at ang Traffic Section ng pulisya at Highway Patrol Group ay wala rin aksyon sa matagal ng problema sa mga abusadong tsuper at ang walang-katapusang paglabag sa batas ng mga jeepney drivers.

Idinadahilan naman ng ibang mga opisyal na kakaunti lamang ang jeep na bumibiyahe or kaya ay madalang na ito sa gabi, partikular sa east coast ng Zamboanga, ngunit hindi naman nakasaad sa batas o maaaring gamitin dahilang ng overloaded jeeps.
Hanggang walang malagim na aksidente ng mga overloaded jeeps at patuloy ang paglabag ng batas sa trapiko sa Zamboanga. (May karagdagang ulat ni E. Dumaboc)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
No comments:
Post a Comment