Mascot HTML

issuu

TELEVISION


Watch live streaming video from mindanaoexaminertv at livestream.com
RADIO

Tuesday, December 27, 2016

Pastor, pinatay ng sariling bayaw!

NORTH COTABATO - Karumal-dumal na krimen ang sinapit ng isang pastor sa kamay mismo ng kanyang bayaw matapos itong patayin at ilibing sa labas ng pamamahay ng suspek sa General Santos City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Oliver Sermonte, 42, residente ng Stella Maris sa Barangay Calumpang, samantalang ang suspek ay si Nilo Salvador, kapatid ng misis ng biktima.

Nabatid na hinukay ng mga otoridad ang bangkay ng biktima matapos na sumuko sa mga pulisya ang suspek at inamin ang nagawang krimen kamakalawa. Nakagapos at nakasilid sa sako ang bangkay ng biktima nang mahukay ng mga otoridad. At batay sa pagsusuri, basag ang bungo ng pastor matapos itong martilyohin ng paulit-ulit ng suspek. Bali rin ang leeg at tadyang ng biktima. Desidido ngayon ang mga kaanak ng biktima na sampahan ng kaso ang suspek.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaslang sa pastor. (Rhoderick Beñez)

No comments:

Post a Comment