ZAMBOANGA CITY – Hawak ngayon ng Malaysia ang ilang mga Pinoy na
hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf at supporters ng ISIS matapos silang
madakip kasama ang iba pang mga dayuhan sa Johor at Sabah.
Ayon sa Malaysian media ay walong Pinoy ang nadakip, gayun rin
ang tatlong Malaysians, kabilang ang isang babae, sa ibat-ibang lugar mula
Enero 25 hanggang Pebrero 4.
Hindi naman inilabas ng Malaysia ang mga pangalan ng lahat ng
suspek, subali’t sinasabing sila ang nasa likod ng planong pagpupuslit ng mga foreign
militants mula Sabah patungong Zamboanga City. Patuloy naman ang imbestigasyon
ng Malaysia sa mga nahuling militants.
Bahagi ng counter terrorism operation ng Malaysia ang
pagkakalansag ng grupo ng Abu Sayyaf at ISIS sa Sabah na kung saan ay may
recruitment doon ang naturang mga ito upang lumaban sa Mindanao at maghasik ng
gulo sa Sabah.
Sinabi ni Inspector-General Mohamad Fuzi Harun ng Malaysian
Police na isa sa mga Pinoy ay sumusunod sa utos mula sa isang ISIS leader na
nasa Pilipinas. "One of the suspects - a 39-year-old Filipino - was
receiving orders from a senior ISIS leader in southern Philippines to arrange
safe passage for militants from Sandakan to Zamboanga, where they would join
the IS faction there," ani ng opisyal.
Walang pahayag ang Western Mindanao Command sa pagkakadakip ng
mga Pinoy militants sa Sabah. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: https://www.mindanaoexaminer.com and https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: https://www.mindanaoexaminer.com and https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
No comments:
Post a Comment