PATAY ANG Vice Mayor Jonah John Ungab ng bayan ng Ronda sa lalawigan ng Cebu matapos itong tambangan kaninang tanghali ng mga armadong lalaki habang bumabaybay kasama ang asawa sakay ng kanilang kotse sa Cebu City.
Kagagaling lamang ni Ungab - na isang abogado - mula sa isang court hearing sa kaso ni suspected drug lord Kerwin Espinosa ng ito ay tambangan di-kalayuan sa Hall of Justice. Agad rin tumakas ang dalawang salarin.
Naisugod pa sa pagamutan si Ungab, ngunit nasawi rin kinalaunan, ayon sa pulisya. Hindi nam,an sinabi ng pulisya kung sugatan ang asawa nito. Naganap ang atake matapos na ipanalo ni Ungab ang kasong illegal possession of firearms ni Espinosa.
Hindi pa mabatid kung nahagip ng CCTV sa kapaligiran ang naturang pananambang, ngunit patuloy ang imbestigasyon sa krimen.
Noong 2016 ay pinaslang rin ng mga kriminal si Atty. Rogelio Bato Jr na abogado rin ng ama ni Kerwin na si Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. Pinatay rin ng pulisya ang mayor sa loob ng kanyang bilangguan matapos itong sumuko at amining nagbebenta ito ng droga.
Si Kerwin ay nadakip sa Abu Dhabi noon 2016 na kung saan ito nagtago sa takot na mapatay sa bansa. Nasa pangangalaga ng National Bureau of Investigation si Kerwin sa kasalukuyan. (Cebu Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: https://www.mindanaoexaminer.com and https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: https://www.mindanaoexaminer.com and https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
No comments:
Post a Comment