FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, February 17, 2018

Central Visayas, pasok sa PDEA list

TALAMAK pa rin ang droga sa Central Visayas sa kabila ng drug war ng pamahalaang Duterte at sa katunayan ay nasa ikatlo ang rehiyon sa buong bansa na apektado ng masamang bisyo.

Ito rin ang kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ayon sa regional director nito na si Emerson Margate ay mahigit sa 2,200 barangay mula 3,003 ang apektado ng ilegal na droga. Nangunguna sa talaan ng PDEA ang National Capital Region at pangalawa ang Zamboanga Peninsula.

Sinabi ni Margate na ginagawan nila ng paraang na malinis ang mga barangay mula sa galamay ng ilegal na droga sa pamamagitan ng pinaigting na kampanya laban sa mga drug pushers. Palalawigin rin nito ang pulong-pulong sa mga barangay upang maihatid sa publiko ang masamang epekto ng droga sa tao at komunidad. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper


No comments:

Post a Comment