FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, February 17, 2018

Kelot sa Cebu namaril dahil sa kots

PINAGHAHANAP ng pulisya ang isang motorista na umano’y bumaril sa clamping device na inilagay sa kanyang kotse na ipinarada sa “No Parking Zone” sa Cebu City.

Tumakas umano ang motorist at iniwan nito ang kanyang kotse – Honda City – na may temporary plate number na DV9713. Naganap umano ang pagwawala ng lalaki ng makita nitong naka-clamp na ang kanyang kotse sa harap lamang ng Cebu City Health Office.

Nakuha na ng mga awtoridad ang pangalan ng driver at kasalukuyang pinaghahanap. Nahaharap ito sa kasong “illegal discharge of firearm” at “malicious mischief” at posibleng madagdagan pa kung mapapatunayang walang papeles ang baril nito.

Nasa pangangalaga ngayon ng Cebu City Transportation Office ang kotse ng lalaki. Umapela naman ang mga opisyal ng Cebu City Transportation Office sa driver na sumuko na lamang at harapin ang mga kasong kinakaharap nito. (Cebu Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper


No comments:

Post a Comment