FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Monday, August 13, 2018

2 militiamen, dedo sa North Cotabato ambush

NORTH COTABATO - Napatay ngayon Lunes ang dalawang mga miyembro Special Civilian Armed Forces Geographical Unit Active Auxiliary o SCAA makaraang tambangan at pagbabarilin sila ng hindi pa nakilalang mga suspek.

Nabatid na sakay ng isang motorsiklo ang mga biktima sa bahagi ng Barangay Ginatilan sa bayan ng Pikit sa North Cotabato ng sila ay ratratin. Kinilala ang mga nasawi na sina SCAA Richard Wacan at isang alias Maro.

Sa ulat ni Supt. Bernard Tayong, ang tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, ay binabaybay ng mga biktima ang daan buhat sa Poblacion ng Pikit at pagdating sa Dalandag National High School doon na sila tinambangan.

Ang mga biktima ay nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan na naging dahilan ng pagkamatay ng mga ito. Sinisilip pa ng pulisya kung may kinalaman sa kanilang trabaho ang pagpaslang sa mga biktima. Walang umako sa krimen. (Rhoderick BeƱez)


Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com/
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
See Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates/


No comments:

Post a Comment