FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, August 28, 2020

19 barangay apektado ng ASF sa North Cotabato

NORTH COTABATO - Umaabot na ngayon sa P10.7 milyon ang lugi sa industriya ng pagbababoy sa North Cotabato matapos na manalasa ang African Swine Fever o ASF sa ibat-ibang lugar sa lalawigan.


Ito’y makaraang umabot na sa 19 na barangay na kinabibilangan ng apat na mga bayan at isang lungsod ang apektado ng ASF.

Kinumpirma naman ni Provincial Veterinarian (OPVET) Dr. Rufino Suropia na nasa 40 mga baboy na ang na-depopulate sa Barangay Malungon sa bayan ng Makilala matapos na mag-positibo sa pinakahuling laboratory test ang kinuhang blood sample mula sa ilang alagang baboy doon.

Sa pinakahuling datus ng OPVET, abot na sa 2,138 na mga alagang baboy ang na-depopulate kung saan nasa higit 500 hog raisers ang naperwisyo ng ASF.

Samantala, sinisimulan na rin ang culling activity na pasok sa 500 meter radius mula sa Barangay Muaan at Barangay Gayola sa Kidapawan City kung saan nakitaan na rin ng positibong kaso ng ASF.

Patuloy namang isinagsagawa ng tanggapan ang information dissemination sa iba pang mga lugar sa probinsya upang hindi na madagdagan at lumawak ang epekto ng ASF. Hinihikayat din ng OPVET ang mga barangay officiald na makipagtulungan sa kanilang kampanya lalo na sa kanilang mga lugar. (Rhoderick BeƱez)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates


No comments:

Post a Comment