FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, August 2, 2020

2,000 LSIs pababalikin sa Zambo, Butuan at Davao: DILG

NAKATAKDANG PAUWIIN sa lungsod ng Zamboanga, Butuan at Davao ang halos 2,000 mga locally stranded individual (LSIs) na ngayon ay nasa Rizal Memorial Stadium sa Maynila, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).


Sinabi bg DILG na unang pinauwi ang mga 5,000 LSIs sa kani-kanilang probinsiya sa ilalim ng ikalawang yugto ng “Hatid Tulong” program ng pamahalaan. “May 2,000 pang mga LSIs ang kasalukuyang pinoproseso na karamihan ay mga walk-in na nagtungo sa Rizal Memorial Stadium ang maihahatid namin,” ani DILG Secretary Eduardo Año.

Naunang hiniling ni Zamboanga Mayor Beng Climaco sa Inter-Agency Task Force on Covid-19 na ipagpaliban muna ang pagpapabalik sa mga LSIs dahil sa kakulangan ng mga isolation o quarantine facilities at sa dumaraming bilang ng coronavirus cases sa kanyang lugar dahil sa paglobo ng community transmission. Humingi ito ng ilang linggong moratorium.

Sinabi ni Año na kailangan munang dumaan sa sa Covid-19 rapid test ang mga naiwang LSIs bago sila payagang makauwi sa Zamboanga, Butuan at Davao. “Hindi natin sila basta-basta pinapauwi sa kani-kanilang mga probinsiya.
Pinapascreen muna natin sila sa mga doktor mula sa DOH at PCG at sumasailalim sila sa rapid test bago sila sumasakay sa mga bus and barko,” ani Año.

Ayon kay Año, ang mga positibo sa Covid-19 ay dinala sa isang isolation facility upang gamutin. Ang mga negatibo sa virus ay binigyan ng travel authority alinsunod sa DILG Memorandum Circular 2020-085.

“Hindi doon nagtapos ang tulong ng gobyerno. Bago sila sumakay, tumanggap ang mga LSIs ng food package at financial assistance mula sa the Department of Social Welfare and Development at Department of Agriculture,” dagdag pa ni Año. “Nagpapasalamat kami sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno pati na ang mga LGUs at ang private sector sa pakikiisa na ipinakita nila sa Hatid Tulong Program at sa kanilang malasakit para sa ating mga kababayang na-stranded dahil sa pandemic.”

Nanawagan rin si Año ng mas malalim na pang-unawa sa mga LSIs na hindi rehistrado at nagtungo sa Rizal Memorial Stadium na hindi agad maasikaso dahil may moratorium ang kanilang mga local governments.

“Dinala sila sa isang temporary shelter sa isang housing project ng National Housing Authority sa San Jose del Monte sa Bulacan sakay ng apat na bus. Hindi natin sila pinabayaan,” paliwanag pa ng opisyal.

Sa mga susunod na Hatid Tulong program, sinabi ni Año na magtatalaga sila ng isang jump-off point sa bawa’t rehiyong hahatiran ng mga LSIs upang hindi na maulit ang nangyari noong nakaraang mga linggo na daan-daang tao na hindi rehistrado ay nagtungo sa Rizal Memorial Stadium upang makasali sa libreng sakay program. (Zamboanga Post)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates



No comments:

Post a Comment