KIDAPAWAN CITY – Malaking perwisyo sa mga babuyan ang dala ng African Swine Fever o ASF sa bayan ng Magpet sa North Cotabato na kung saan ay daan-daang mga baboy ang namatay.
Sinabi sa Mindanao Examiner ni Department of Agriculture Regional Director Arlan Mangelin na mas lalo pa nilang hinigpitan ang inspeksyon sa ibat-ibang bayan upang maiwasan at masigurong hindi kakalat ang ASF.
Ayon naman kay Dr. Rufino Sorupia, ang hepe ng Provincial Veterinary Office, mahigit sa 600 mga baboy na apektado ng ASF mula sa ibat-ibang barangay ang pinatay na lamang.
Patuloy din ang kanilang pagkuha ng blood sample sa mga kalapit na lugar mula sa ASF-infected areas at isinasailalim sa test upang malaman kung naapektuhan din ng virus ang kanilang mga baboy.
Mas lumawak din ani Sorupia ang mga lugar na apektado ng ASF virus dahil sa huli na nang malaman at dumating ang resulta ng kinuhang mga blood sample.
Sa ngayon, pinoproseso na ng Department of Agriculture Regional Office ang P5,000 cash assistance sa mga apektadong magbababoy sa bayan ng Magpet.
Ipinagbabawal na rin ng Zamboanga City ang pasok ng mga karne ng baboy at mga produktong gawa sa nasabing karne sa takot na makapasok doon ang ASF.
Sa utos ni Mayor Beng Climaco, hindi na pinapayagan ang anumang karne ng baboy mula sa Luzon at ilang lugar sa Mindanao – ang Panabo City, Talaingod at Santo Tomas sa Davao del Norte, at lahat ng munisipyo sa Davao del Sur maliban sa bayan ng Hagonoy; at bawal rin ang mga galing sa bayan ng Jose Abad Santos, Don Marcelino, Malita at Santa Maria sa Davao Occidental.
At maging mga karne ng baboy mula sa Kidapawan City, at sa mga bayan ng Magpet, Makilala, Matalam, M’lang, President Roxas, Tulunan, Antipas, Arakan dito sa North Cotabato; at bayan ng Columbio sa Sultan Kudarat, at bayan ng Alabel, Glan, Malapatan at Malungun sa Sarangani.
Ang ASF virus ay naisasalin sa mga baboy mula sa mga hayup na may infection at sa kanilang mga dumi. Puwede rin itong kumalat sa damit, animal feeds, sasakyan at iba pa na maaaring kapitan ng virus at lubha itong nakamamatay sa hanay ng mga baboy lamang. (Rhoderick BeƱez)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates

No comments:
Post a Comment