NORTH COTABATO – Mahigit sa tatlong dosenang karagdagang transitional shelters ang nai-turn over sa isang barangay sa bayan ng Tulunan dito na matinding tinamaan ng lindol noong nakaraang Oktubre, ayon kay North Cotabato Vice Governor Emmylou Mendoza.
Pinangunahan ni Mendoza at kasama si Tulunan Municipal Mayor Reuel Limbungan ang turn over ceremony noong nakaraang linggo lamang sa Barangay Paraiso.
Nagpasalamat naman ng husto ang mga nabiyayaan ng transitional shelters kay Mendoza at sa iba pang mga opisyal at donors.
Unang nai-turn over ni Mendoza noong Marso ang 20 shelters sa nasabing barangay sa pamamagitan ng personal na kapasidad nito at sa pakikipagtulungan ng iba't-ibang sektor.
Simple ngunit malaking tulong naman sa mga biktima ng lindol ang naturang mga bahay, ayon kay Limbungan at sa pamamagitan nito ay makakapagsimulang muli ang mga pamilya sa Barangay Paraiso na nawalan ng bahay dahil sa malakas na lindol.
Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Barangay Paraiso Chairperson Regino Talingting si Mendoza gayun rin ang iba pang mga tumulong tulad ng Provincial Councilors League-Cotabato Chapter, USM Kabacan Alumni Association, 602nd Infantry Brigade, at iba pang mga donors mula sa Cotabato Province at Davao City.
Mga materyal at labor naman ang iniambag ng bawat donor sa naturang proyekto. (Rhoderick BeƱez)
Todo-pasasalamat ang mahigit sa 3 dosenang pamilya na apektado ng lindol noong nakaraang taon sa Barangay Paraiso sa bayan ng Tulunan sa North Cotabato sa mga bagong transitional shelters na kanilang natanggap. Pinangunahan ni North Cotabato Vice Governor Emmylou Mendoza kasama si Tulunan Municipal Mayor Reuel Limbungan ang turn over ceremony noong nakaraang linggo lamang. |
Pinangunahan ni Mendoza at kasama si Tulunan Municipal Mayor Reuel Limbungan ang turn over ceremony noong nakaraang linggo lamang sa Barangay Paraiso.
Nagpasalamat naman ng husto ang mga nabiyayaan ng transitional shelters kay Mendoza at sa iba pang mga opisyal at donors.
Unang nai-turn over ni Mendoza noong Marso ang 20 shelters sa nasabing barangay sa pamamagitan ng personal na kapasidad nito at sa pakikipagtulungan ng iba't-ibang sektor.
Simple ngunit malaking tulong naman sa mga biktima ng lindol ang naturang mga bahay, ayon kay Limbungan at sa pamamagitan nito ay makakapagsimulang muli ang mga pamilya sa Barangay Paraiso na nawalan ng bahay dahil sa malakas na lindol.
Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Barangay Paraiso Chairperson Regino Talingting si Mendoza gayun rin ang iba pang mga tumulong tulad ng Provincial Councilors League-Cotabato Chapter, USM Kabacan Alumni Association, 602nd Infantry Brigade, at iba pang mga donors mula sa Cotabato Province at Davao City.
Mga materyal at labor naman ang iniambag ng bawat donor sa naturang proyekto. (Rhoderick BeƱez)
No comments:
Post a Comment