NORTH COTABATO - Isang daang pamilya mula sa tribu ng T’boli at Blaan sa bayan ng Tulunan sa North Cotabato ang makikinabang sa pabahay ng pamahalaang Duterte, ayon sa National Housing Authority o NHA.
Todo naman ang pasasalamat ni Tulunan Mayor Pip Limbungan at miyembro ng Sanggunian Bayan at maging ang mga Barangay Bacong officials sa 100 bahay. Matagal na umano ang kahilingang ito at ngayon ay maibibigay na sa mga karapat-dapat na benepisyaryo ng NHA.
Nagbalik tanaw naman si Limbungan sa sakripisyo ng lahat at pag-aasikaso ng mga dokumento at kooperasyon ng homeowners at ng mga lideres nito.
Labis rin ang pasasalamat ni Barangay Chairman Victor Acac, sa lahat ng ahensya na tumulong sa kanila. Kanya rin hiniling ang dagdag pang bahay para sa mga residente na nangangailangan rin ng tulong.
Hiniling din ni Acac na maisaayos ang kanilang farm-to-market road.
Sinabi ni NHA Regional Manager Engr. Erasme Madlos na bukas ang kanilang tanggapan sa hiling ng pabahay, lalo na mula sa mga indigenous groups o tribu dahil bahagi sila ng prayoridad ng pamahalaan na matulungan.
Nagpasalamat rin ang mga natibo kay Governor Nancy Catamco sa malaking suporta nito. Kasabay ng okasyon ay namahagi ng planting material at abono si Catamco sa mga magsasaka sa nasabing lugar. (Rhoderick Beñez)

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates

No comments:
Post a Comment