FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, August 22, 2020

Wala kayong paki-alam: Duterte

NAPIKON ANG Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Balitang nag-litawan sa social media na sikreto umano itong nagtungo sa Singapore upang magpagamit sa hindi-nabanggit na sakit.

‘Pangulo, napikon sa mga tsismis’ 


Agad naman itong itinanggi ng Malakanyang at maging si Senator Bong Go ay naglabas pa ng video na kung saan ay makikita ang 75-anyos na si Duterte habang nasa Davao City.

Ipinakita rin ni Go ang isang larawan ni Duterte na kumakain kasama ang live-in partner nitong si Honeylet AvanceƱa na may hawak na kopya ng Manila Bulletin na may petsang Agosto 17 – ang araw na sinasabing nangibang bansa ang Pangulo.

“Ang Pangulo po ay nagta-trabaho lang. Nasa Davao po siya at ginagampanan po niya ang kanyang tungkulin bilang Pangulo. In fact, halos ay wala nga pong pahinga ang ating Pangulo dahil nga mino-monitor niya ang sitwasyon,” paliwanag pa ni Go.

“Bagama’t kailangan niya rin pong umuwi ng Davao upang tingnan na rin po ang sitwasyon sa Mindanao ay makikita ninyo po na kagabi ay napaka-healthy naman po ni Pangulo. Bagama’t 75-years old na po ‘yon ay talagang kayod kalabaw pa rin ‘yan para makapagserbisyo sa kapwa Pilipino,” dagdag pa nito.

Nagsalita rin si Duterte sa telebisyon kamakailan at sinabi nito na walang paki-alam ang sino man kung saan nito gustong pumunta dahil hindi naman pera ng gobyerno ang kanyang gagastusin.

“If I want to go to Singapore, I will go to Singapore. If it is a private undertaking, I will go there fly-in, fly-out. Stop this nonsense about me going to Singapore. Kung gusto ko, pupunta ako. Wala kayong pakialam kung gusto ko pumunta, kung gusto ko umalis, kung aalis ako. I do not have to keep it secret because I will not be using government funds. Hindi ko ugali ‘yan,” ani Duterte.

Idinagdag pa ni Duterte na tulad ng iba, may karapatan rin itong bumiyahe dahil nasa Konstitusyon ito.

“I am a citizen of this country. The right to travel is guaranteed. Kung guaranteed sa inyo, (eh) ‘di guaranteed din sa akin,” wika pa nito, ngunit iginiit rin ni Duterte na sa panahong ito ng pandemya dahil sa Covid-19 ay wala itong balak na lumabas ng bansa.

“Ang isang leader will always stay where the crisis is. Hindi ka dapat maglagalag kung may problema ang bayan. Napakababa naman ng tingin niyo sa akin kung ganoon,” sabi ni Duterte.

Naunang inamin ni Duterte na may sakit itong myasthenia gravis, buerger’s disease, at barrett’s esophagus, gayun rin ang  gastroesophageal reflux disease, migraine at problema sa kanyang spinal column. (Mindanao Examiner)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates



No comments:

Post a Comment