FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, September 13, 2020

Quarantine protocols, hihigpitan pa!

MULING NAKIUSAP si Zamboanga Mayor Beng Climaco sa publiko na sundin ang mga patakaran sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) upang maiwasan ang nakamamatay na coronavirus respiratory disease.

Mga pasaway na residente sa likod lamang ng police station sa downtown Zamboanga. (Zamboanga Post)

Ito ay matapos na matanggap ni Climaco ang ulat mula sa pulisya na daan-daang katao pa rin ang mga nasisita araw-araw dahil sa patuloy na paglabag bng mga ito sa quarantine protocols na inilatag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ng pamahalaang Duterte.

“Por pabor sigue kita na quarantine protocols cay ese lang el necesita para evita con el Covid-19. Usa el face mask y face shield si afuera del casa, observa con el social distancing y siempre lavate las manos con agua y jabon,” sabi pa ni Climaco, na siyang pinuno ng Zamboanga Task Force against Covid-19.

Paulit-ulit na lamang ang paki-usap ni Climaco sa mga residente, ngunit marami pa rin ang matitigas ang ulo at pasaway. Mahigit sa 400 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa Zamboanga mula pa nitong Marso ng magsimula ang pandemic. At mahigit sa 5 dosena na ang nasawi dahil sa nasabing sakit.

Sinabi ng pulisya na karamihan sa mga lumalabag sa quarantine protocols ay mga residente na walang dalang quarantine pass at hindi paggamit ng face mask at ang ang hindi pagsunod sa physical o social distancing.

Naunang ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government sa Philippine National Police (PNP) at sa lahat ng pamahalaang lokal na paigtingin ang pagpapatupad sa mga quarantine protocols. 

Maging ang Joint Task Force Shield ng PNP sa pamumuno ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar ay nag-utos na rin sa pulisya na bantayan ang mga litrato sa social media, partikular sa Facebook, na kung saan ay may paglabag sa quarantine protocols.

Marami ang nagpo-post ng mga larawan sa social media na kung saan ay makikita ang mga tao na walang suot na face mask sa mag-publikong lugar o grupo ng mga nagi-inuman ng alak o kaya ay mga party na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng quarantine protocols. 

“The social media are full of photos and evidence of hard-headed people deliberately violating the quarantine protocols. These can be used as pieces of evidence to warn, to fine and to summon the people concerned in coordination with the barangay officials concerned,” ani Eleazar. 

Sinabi ni Eleazar na umabot na sa mahigit 365,000 ang nasita ng pulisya dahil sa ibat-ibang paglabag sa quarantine protocols mula pa nitong Marso. (Zamboanga Post)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates






No comments:

Post a Comment