FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, March 26, 2021

Mayors ini-imbestigahan!

 ‘Utos ni Duterte: Kasuhan kung may kasalanan’ 

MAHIGPIT ANG kautusan ni Pangulong Duterte na dapat maunang mabakunahan ang mga medical frontliners at healthcare workers at ipinag-utos nito ang masusing imbestigasyon at pagsampa ng reklamo laban sa mga mayors at iba pa na naturukan ng Covid-19 vaccine kahit wala sila sa listahan ng priority ng pamahalaan.

Kabilang sa mga mayors na nagpaturok ng bakuna ay sina is Mayor Alfred Romualdez, ng Tacloban City, Leyte; Mayor Dibu Tuan, ng T’boli sa South Cotabato; Mayor Sulpicio Villalobos, ng  Santo Niño, sa South Cotabato rin; Mayor Noel Rosal, ng Legazpi City sa Albay; Mayor Abraham Ibba, ng Bataraza sa Palawan; Mayor Elanito Peña, ng Minglanilla sa Cebu; Mayor Victoriano Torres ng Alicia sa Bohol; Mayor Virgilio Mendez ng San Miguel sa Bohol pa rin; Mayor Arturo Piollo II ng Lila sa Bohol.

Maging ang artistang si Mark Anthony Fernandez ay nabakunahan rin kahit hindi naman ito medical frontliner. 

“So to make a story --- a long story short, mag-execute na lang ng affidavit and why --- result of the investigation, and then send it to the Ombudsman. Mayroon ring mga show cause orders,” ani Duterte.

Idinahilan naman ng mga mayors na kaya sila nagpaturok ng bakuna ay upang maging halimbawa sa kanilang mga nasasakupan at hindi matakot sa Covid-19 vaccine.

“Ang sabi nila na… Ito ‘yong mga ang rason nila I think that is universal excuse na para hindi matakot ‘yong mga constituents. Well, ako, medyo gray area ‘yan na dapat talaga ang una ‘yong mga… Whether or not if they jumped the Covid-19 line of vaccination would require a certain amount of a legal study.”

“So ‘yon lang po. Sila ‘yong may show cause order. Bakit sila ang nauna? Instead of following the (protocols), seeing to it that the list is followed religiously at hindi nasunod,” sabi pa ni Duterte.

Hindi naman agad mabatid kung bakit napakahigpit ng pamahalaan sa mga mayors na pinuno rin naman ng mga local Covid task force sa kanilang lugar at maituturing na frontliners.

Noon nakaraang taon ay inamin ni Duterte na sikretong naturukan na rin ng Chinese Covid-19 vaccine ang mga miyembro ng Presidential Security Group at mga sundalo kahit wala pa itong approval ng Food and Drud Administration. Ilang opisyal rin ng Gabinete ni Duterte ang nabakunahan ng smuggled vaccines. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates


No comments:

Post a Comment