NORTH COTABATO – Nagbabala ang mga health experts sa publiko na pakuluaan ang kanilang mga tubig upang masigurong ligtas ito sa anumang bacteria matapos na 2 katao ang nasawi at maraming iba ang tinamaan ng diarrhea sa bayan ng Santo Tomas sa Davao del Norte kamakailan lamang.
Ilan sa mga residente ng Barangay Tulalian na kung saan nagmula ang hihihinalang kontaminadong tubig ay nakitaan pa ng Covid-19 matapos sumailalim sa pagsusuri.
Dahil
dito, ideneklara ni Mayor Ernesto Evangelista ang diarrhea outbreak sa kanyang
bayan batay sa inilabas na pahayag ng Municipal Information Office. Isinugod sa
pagamutan ang mga nagsusuka at nasakitan ng sikmura at ang mga iba ay binigyang
lunas sa covered court.
Mabilis
namang rumesponde ang Quick Reaction Team ng bayan at nagpadala agad ng dalawang
mga doktor at nurses upang tiyakin na mabigyan ng health and sanitation
services ang mga apektadong residente.
Sa
ulat ni Municipal Health Officer Dr. June Li, nasa 171 na mga residente ang
na-diagnosed na may acute diarrhea secondary to amoebiasis. Dahil dito, sinabi
ni Charlemagne Fernandez, MHO Administrator, na nagsisiyasat na ang pamahalaang
lokal para alamin kung ano ang sanhi ng outbreak. (Rhoderick BeƱez)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates
No comments:
Post a Comment