HABANG PAPALAPIT ang halalan, patuloy naman ang malaking suporta ng publiko kay Mayor Beng Climaco na tumatakbo bilang congresswoman sa District 1.
Mayor Beng Climaco |
At ang pangunahing dahilan ng lumulubong suporta ni Climaco ay ang pagiging “tunay na lider” nito sa gitna ng pandemyang dulot ng Covid-19 at ang taglay na karunungan nito sa pulitika dahil ilang beses na rin ito naging congresswoman at Deputy Speaker pa ng Kongreso.
Hindi rin umano mahihirapan si Climaco sa mga kalaban sa
naturang puwesto dahil walang alam sa Kongreso ang mga ito kung ihahambing sa
katalinuhan at kagalingan nito.
Lalo pang dumarami ang simpatyang nakukuha ni Climaco mula sa
publiko dahil sa mga paninira sa kanya ng mga kalaban sa pulitika. Sa
katunayan, patuloy rin ang paglipat sa kampo ni Climaco ng mga supporters mula
sa oposisyon dahil sa malinaw na “plataforma de gobierno” ni Mayor na naka-base
sa kanyang iba’t-ibang pro-poor programs na wala sa ibang kandidato na pulos
black propaganda lamang ang alam.
Naunang nagpahayag ng suporta ang maraming mga barangay officials kay Climaco, ayon kampo nito na
nagsabing suportado ito ng mga barangay officials hindi lamang mula sa District
1, kundi maging sa District 2.
Kilalang multi-awarded si Climaco
at malaki ang tiwala sa kanya ng publiko dahil
sa napakarami itong nagawang pagbabago sa Zamboanga kung ihahambing sa mga
nakaraang administrasyon.
Kaliwa’t-kanan
ang mga proyekto ng administrasyong Climaco sa ilalim ng programang S.H.E. o
ang “Security, Health at Education” na siyang prayoridad nito. Sa kanyang
panunungkulan ay nabawasan ng husto ang mga krimen at nabigyan ng malaking
halaga ang kalusugan ng mga mamamayan at seguridad ng lungsod at dumami pa ng
husto ang mga negosyo kahit may pandemya.
Maging ang
Pangulong Duterte at ang Department of the Interior and Local Government at iba
pang mga ahensya ng pamahalaan ay kinilala at binigyan ng parangal si Climaco
bilang pagkilala sa kanyang maayos na panunungkulan at serbisyo sa Zamboanga.
At dahil sa mga
kasinungalingan na ibinabato kay Climaco ay lalo pang tumaas ang bilang ng mga
supporters at followers nito sa kanyang Facebook page na ngayon ay nasa mahigit
378,000 na. Mas malaki kahit pa pagsamahin ang mga Facebook and sponsored pages
ng mga pulitikong sina Celso Lobregat at Mannix Dalipe.
Si Climaco ay nanilbihan bilang
councilor mula 1998-2004; vice mayor mula 2004-2007; at congresswoman ng
Zamboanga mula 2007-2010 at 2010-2013, bago pa man naging mayor noong 2013.
Wala pa itong talo sa eleksyon dahil sa taglay na kagalingan at sinseridad sa
serbisyo at kung tatakbo ito bilang congresswoman ay siguradong mananalo itong
muli dahil na rin sa malaking tiwala ng publiko.
Ang beteranong si Lobregat ay
tinalo ni Climaco noong nakaraang halalan. Tanging si Climaco lamang ang
nakatalo sa milyonaryong si Lobregat mula ng ito ay naging pulitiko – mayor at
congressman ng ilang beses.
Suportado rin ni Vice Mayor Meng
Agan ang kandidatura ni Climaco. Si Agan ay tumatakbo rin bilang mayor sa
Zamboanga. Ikinatuwa naman ng mga taga-sunod ni Climaco ang desisyon ni Agan na
suportahan si Climaco. Todo naman ang pasasalamat ni Climaco kay Agan at sa
grupo nito. Sinigurado naman ni Climaco na ipagpapatuloy nito at lalong
pagtitibayin sa Kongreso ang kanyang mga nasimulan, partikular ang Largo Vida
program na ibinasura ng oposisyon.
Ang Largo Vida ang siyang
nagbibigay ng tulong sa mga libo-libong senior citizens at mga mahihirap, kabilang
ang mga vulnerable sector sa Zamboanga. (Zamboanga Post)
No comments:
Post a Comment