ZAMBOANGA CITY – Hindi na inabot ng kapaskuhan ang dalawang lolo matapos na masunog ng buhay ang mga ito sa loob mismo ng kanilang bahay sa Zamboanga City.
Inabot ng hanggang alas 2 ng madaling araw ngayon Sabado ang sunog na nagsimula bago maghating-gabi sa Talon-Talon Loop na kung saan ay dalawang bahay ang nilamon ng mala-impyernong apoy.
Nakilala naman ang mga nasawi na sina Miguel Bacatso, 70, at Jesus Madriaga, 80. Ayon sa inisyal na pahayag ng Bureau of Fire Protection ay nagsimula sa bahay ni Madriaga ang sunog at kumalat ito sa katabing bahay ni Bacatso.
Patuloy ang imbestigasyon sa naganap at inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung bakit hindi agad naisalba ang dalawang matanda. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
http://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
http://mindanaoexaminer.com/ad-rates
No comments:
Post a Comment