ZAMBOANGA CITY – Isang tricycle driver na naman sa Zamboanga City ang inireklamo kagabi ng over-charging matapos nitong singilin ng P600 ang isang customer mula airport hanggang sa LM Metro Hotel sa Barangay Tetuan na halos 3-4 kilometro lamang ang layo.
Lubhang ikinagulat naman ito customer dahil mas mahal pa umano ang singil nito sa taxi sa Maynila at sa halip ay nag-alok na lamang ito ng P180 bilang kabayaran sa tricycle matapos itong magpahatid sa hotel ng dumating sa Zamboanga. Ngunit sa kabila nito ay nagalit pa ang driver at nagwala pa sa hotel at kinalampag ang front desk ng naturang establishment at halos na-trauma ang mga receptionist sa ini-asal ng driver.
Natigil lamang ang pagwawala ng driver matapos na tumulong ang isang di-kilalang hotel guest sa hintatakot na customer at tumawag ng pulis. Mabilis naman na tumakas ang di-kilalang driver ng malamang nagsumbong sa pulisya ang guest na nagmagandang-loob sa customer ng hotel.
Hindi naman mabatid kung nakunan ba ng security guard ang plate number at pangalan ng operator ng tricycle upang mai-reklamo ito sa mga awtoridad at sa Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board dahil sa ilegal na gawain nito.
Talamak ang reklamo kontra sa mga tricycle drivers sa Zamboanga dahil sa over-charging ng mga nito sa kanilang pasahero, lalo ang mga dumarating mula sa airport at pier. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
http://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
http://mindanaoexaminer.com/ad-rates
No comments:
Post a Comment