PAGADIAN CITY – Patay ang isang bata at mahigit sa tatlong dosena ang sugatan matapos na araruhin ng isang pampasaherong jeep ang dalawang truck at isang motorsiklo sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur.
Sinabi kahapon ng pulisya na patuloy ang imbestigasyon sa sakunang naganap sa Barangay Buenavista kamakalawa. Nakilala naman ang nasawi na si Clark Cabaluna na angkay ng kanyang inang si Pilar sa motorsiklo.
Nabatid na nawalan ng kontrol ang drive ng jeep na si Joel Maglinte, 24, at sumalpok ito sa mga sasakyan.
Hindi agad makuha ang mga identipikasyon ng 37 mga sugatan, karamihan ay mga pasahero ng jeep, ngunit nasa pagamutan ang mga ito sa Pagadian. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
http://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
http://mindanaoexaminer.com/ad-rates
No comments:
Post a Comment