PAGADIAN CITY – Patuloy kahapon ang paghahanap ng pulisya sa isang crewman ng fishing boat matapos mahulog sa dagat ng barilin ng kanyang kapitan na nag-amok habang nasa isang expedition sa Zamboanga del Norte.
Kinumpirma ng pulisya na nadakip na sa bayan ng Baliguian ang kapitan ng L/B Kaleigh 502 na si Roldan Avelino, 42, na nakapatay naman sa chief engineer niyang si Nestor Besanes, 42. Isang crew nito na si Reynante Calunsag, 33, ang binaril at nahulog sa karagatan at ngayon ay hindi pa matagpuan.
Dalawang iba pang pahinante sina Richard Mendoza at Eduardo Dela Cerna ang tumalon rin sa karagatan ng makitang nagwawala ang kanilang kapitan. Nailigtas naman sila ng isa pang fishing boat sa lugar.
Isang operasyon ang agad na inilunsad ng pulisya at militar at natunton si Avelino sa Barangay Dicolum sa Baliguian nitong Huwebes ng umaga. Kasalukuyang iniimbestigahan ito ukol sa naganap, ayon kay Chief Inspector Rogelio Alabata, ang regional police spokesman.
Sinabi ni Alabata na si Avelino ay empleyado ng Yap & Lim Fishing Company at tubong-Masbate City. Kasalukuyang nakapiit ito sa bayan ng Gutalac habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong kriminal sa kanya. “Continuous rescue operation is now being conducted by the Gutalac municipal police to rescue or recover the missing victim,” ani Alabata sa Abante. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
http://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
http://mindanaoexaminer.com/ad-rates
No comments:
Post a Comment