FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, March 31, 2016

Anibersaryo ng Jesus Miracle Crusade sa Iloilo City tagumpay


















Anibersaryo ng Jesus Miracle Crusade sa pangunguna ni Ministro Wilde James Almeda.
ILOILO CITY – Dinagsa ang ika-25 anibersaryo ng Jesus Miracle Crusade International Ministry dito na kung saan ay dinaluhan ito ni Ministro Wilde James Almeda Jr.
Dumalo rin sa naturang selebrasyon si Mayor Jed Patrick Mabilog na kung saan ay nakipag-usap ito kay Ministro Wilde James.
Nabigyan pa ni Ministro Almeda ng best-selling book na “Miracles in Moroland” na  sinulat ni American professor Sam Smith na hango sa tunay na milagrong naganap sa grupo ng ama ni Pastor Wilde Estrada Almeda, ang ama ni Ministro Wilde James, na sumuong sa lalawigan ng Sulu noon 2000 upang mailigtas ang 21 dayuhang hostages ng Abu Sayyaf.
Hindi lamang nakalaya ang mga bihag sa dasal ni Pastor Wilde Estrada at kanyang mga 12 prayer warriors, ngunit na pray-over nito at nabasbasan pa si Abu Sayyaf leader na si Galib Andang at iba pa sa kabundukan ng Talipao. Lahat ng ito ay sa loob ng 100 araw at sa kabila ng matinding panganib ay nanaig ang milagro ng Jesus Miracle Crusade.
Pulos pasasalamat naman si Brother Ronald Homena sa malaking tagumpay ng katatapos lamang na anibersaryo at sa pagdating ni Ministro Wilde James at Mayor Mabilog na kabilang sa “Top 5 Best Mayor of the World” ng City Mayors Foundation at World Mayor Project  at iba pang mga malalaking personalidad.
“Through the first and wholehearted prayer of our dearly beloved and honorable Pastor Evangelist Wilde Estrada Almeda, the end time prophet of the living God and to God be all the praises, honor, power, salvation and worship,” ani Brother Ronald.
Matapos ng anibersaryo ay dumiretso naman si Ministro Wilde James sa Cebu upang pangunahan ang pagtitipon ng mga preachers sa Visayas. Halos kaliwa’t-kanan ang pagdalo at paglahok ni Ministro Wilde James sa ibat-ibang anibersaryo at krusada ng Jesus Miracle Crusade International Ministry.
Nitong Marso 24-27 ay nagdaos rin ang Jesus Miracle Crusade ng healing and prayer service sa Baguio Convention Center na kung saan ay napuno ito ng mga taong may sakit na nagnanais na gumaling sa pamamagitan ng milagro ng Panginoon.
Kamakailan lamang ay nakipagkita kay Ministro Wilde James si Rep. Samuel Pagdilao na ngayon ay tumatakbo bilang senador. Si Pagdilao ang party-list representative ng ACT-CIS o Anti-Crime and Terrorism through Community Involvement and Support.
Nitong Pebrero ay dumalo rin si Senador Bongbong Marcos sa ika-41 na anibersaryo ng Jesus Miracle Crusade na ginanap sa Amora Sports Complex na dinaluhan ng mahigit sa 50,000 katao. Doon ay todo-pasasalamat naman si Marcos kay Pastor Wilde Estrada at Ministro Wilde James sa pagkakataon na makadalo sa anibersaryo. (Cebu Examiner)


No comments:

Post a Comment