FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, March 24, 2016

House Speaker, Sulu Governor nagpasalamat sa isa’t-isa




Sulu Gov. Totoh Tan at House Speaker Sonny Belmonte, Jr. kasama si Quezon City Councilor Marvin Rillo at aktor na Hero Bautista
QUEZON CITY – Nagbigay-galang si re-electionist Sulu Gov. Totoh Tan kay House SpeakerSonny Belmonte, Jr. matapos na mag-courtesy call sa maimpluwensyang lider ng Kamara.
Naroon rin si grupo ni Belmonte- na kongresista ng 4th District ng Quezon City - si Councilor Marvin Rillo at aktor na si Hero Bautista na nakababatang kapatid naman ni Quezon City Mayor Herbert Bautista at aktres na si Harlene Bautista na pawang mga anak ng tanyag na direktor na si Herminio Bautista.
Sinabi ni Tan na nagpasalamat ito kay Belmonte sa pagtanggap sa kanyang pagbisita at nagkaroon sila ng huntahan. Pulos papuri naman sa isa’t-isa ang naging tugon ng mga ito.
“Kuwentuhan, kulitan with Speaker Belmonte, Councilor Marvin Rillo and Hero Bautista, napakabait na mga tao,” ani Tan.
Si Tan ay muling tumatakbo bilang governor ng Sulu at inaasahang landslide na naman ang magiging panalo nito dahil sa malaking suporta ng publiko sa kanya at sa maraming mga programa nito sa lalawigan.
Suporta rin si Tan ng mga ibat-ibang alkalde sa Sulu, gayun rin ang mga civil society at nongovernmental organizations, religious at business sector dahil sa magandang pamamalakad nito sa kanyang administrasyon.
Katuwang ni Tan ang kanyang ina na si Nurunisah Tan, na kilalang pilantropo at civic leader hindi lamang sa Sulu kundi sa Mindanao. (Mindanao Examiner) 


No comments:

Post a Comment