FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, March 31, 2016

Suspek sa 2010 Zambo airport bombing hawak ng NBI




Ito ang kinalabasan matapos ng 2010 Zamboanga airport bombing na kung saan ay isang suicide bomber ang nasa likod ng pagsabog. Nagkalasog-lasog rin ang katawan ng bomber na si Reynaldo Apilado. (Mindanao Examiner Photo)


 Zambo Times

MANILA - Hawak na ngayon ng National Bureau of Investigation ang isa sa mga iniuugnay sa 2010 suicide bombing sa Zamboanga International Airport na kung saan ay 2 katao ang nasawi at marami ang sugatan.
Nakilala ang suspek na si Addong Salahuddin na ngayon ay nasa pangangalaga ng NBI central office. Target ng pambobomba si dating governor ng Sulu na si Sakur Tan at kanyang pamilya.
Palabas ng airport si Tan at anak nitong si Samier ng sumabog ang bomba na bitbit ni Reynaldo Apilado at kasamang si Hatimil Haron. Parehong patay ang dalawa sa lakas ng pagsambulat ng bomba.
Hindi naman agad makunan ng detalye ang NBI sa pagsuko o pagkakadakip kay Salahuddin na sinasabing tauhan ng isang pulitiko sa Sulu na isa sa mga kalaban naman ni Tan. Si Tan ay tumatakbo ngayon bilang gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ang pagkuha ng NBI kay Salahuddin ay naganap matapos na mapatay sa ambush si dating Pangutaran mayor Ahmad Nanoh nitong Marso 17 sa Zamboanga City. Sakay ng kanyang pick-up truck si Nanoh ng ito'y birahin sa Barangay Tetuan. Hindi pa malaman ang motibo sa atake, ngunit dawit rin ito sa Zamboanga airport bombing.
Nabatid na balak umanong lumabas sa publiko ni Nanoh at magsilbing state witness upang sabihin kung sino ang mastemind ng tangkang pagpatay kay Tan. Noon 2009 ay binomba rin ang convoy ni Tan sa bayan ng Patikul at sugatan rin ito, gayun rin si Pandami town mayor Hatta Berto at 9 iba pa, at ayon sa pulisya ay Abu Sayyaf ang nasa likod ng atake at ang mastermind ay mga kalaban rin ni Tan sa pulitika. (Mindanao Examiner)


No comments:

Post a Comment