MAGUINDANAO – Umani ng batikos mula sa mga ibat-ibang sektor at media groups si UNA presidential bet Jejomar Binay matapos itong makipagtaasan ng kamay sa mga Ampatuan na suspek sa 2009 Maguindanao masaker.
Kabilang rin ang mga kaalyado ng Ampatuan clan sa rally ni Binay kamakailan sa lalawigan na kung saan ay kasama nito si Sajid Ampatuan na tumatakbo bilang mayor ng Sharrif Aguak.
Si Sajid ay anak ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. at kapatid ni Zaldy Ampatuan, ang ex-governor ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na mga akusado sa brutal na pagpatay sa 58 katao sa naturang lalawigan.
Bukod sa mga Ampatuan, inindorso pa ni Binay si Ali Midtimbang at Tucao Mastura na parehong kaalyado ng nasabing angkan. Si Midtimbang ay tumatakbo bilang governor ng Maguindanao kasama ang running mate na si Dustin Mastura.
Si Tucao Mastura naman ay kandidato sa pagka-congressman ng lalawigan. Dating mayor ito ng Sultan Kudarat at naging governor ng Shariff Kabunsuan province at tumakbo rin bilang governor ng Maguindanao noon 2013 sa partido ng UNA o United Nationalist Alliance.
Si Sajid ay nakalabas ng bilangguan matapos na mag-piyansa ng mahigit sa P11 milyon kung kaya’t muli nitong itinatatag ang kapangyarihan ng mga Ampatuan. Naroon rin sa rally ang asawa ni Sajid na si re-electionist Zandria Ampatuan na mayor naman ng bayan ng Shariff Saydona Mustapha at si re-electionist Mamasapano Mayor Benzar Ampatuan.
Ipinagtanggol pa ni Binay si Sajid sa harapan ng libo-libong katao sa rally at sinabi nitong mahina ang ebidensya laban sa nakakabatang Ampatuan kung kaya’t pinayagan ng korte na makapag-piyansa.
Tanging si Sajid lamang ang pinayagan ng korte sa maraming mga nakapiit na sangkot o suspek sa brutal na pagpatay ng mga kalaban ng Ampatuan sa pulitiko, kasama na dito ang mga reporters na nasa convoy ng pamilyang Mangudadatu. Mahigpit pa rin ang hawak ng mga Ampatuan sa kanilang lalawigan sa kabila ng sinapit na trahedya ng angkan.
Tadtad si Binay ng asuntong korapsyon, ngunit ilang beses rin nitong sinabi na ang korte lamang ang siyang pedeng humusga sa kanya at pamilya nitong nadadawit sa alegasyon ng pagnanakaw. (Mindanao Examiner)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
No comments:
Post a Comment