FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, April 14, 2016

Zambo Mayor Beng Climaco palaban!







Zamboanga Mayor Beng Climaco habang kausap ang mga residente. 

ZAMBOANGA CITY – Binatikos ni Mayor Beng Climaco ang kampo ni Rep. Celso Lobregat at mga ka-alyado nitong kosehal matapos na ibasura diumano ng mga ito ang ilang mahahalagang proyekto para sa Zamboanga City.
Kaliwa’t-kanan ang banat ni Lobregat kay Climaco sa mga ibat-ibang isyu sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga mahahalagang batas sa Kongreso o pangangampanya nito. Maging ang mga konsehal na nasa grupo ni Lobregat ay panay rin ang banat kay Climaco na nananatiling popular sa mga residente dito.
Kinuwestyon ni Climaco ang mga kalabang konsehal sa pagbibigay nila ng “blanket authority” kay Lobregat noon ito ay mayor pa upang maisakatuparan ang ibat-ibang proyekto.
“I do not ask blanket authority from the members of the Sangguniang Panlungsod, and neither will I ever dictate upon them because they are duly elected officials of the city,” ani Climaco. “I always present to the Sangguniang members the infrastructure projects for their approval as I recognize their individual and collective powers, instead of asking them for a blanket authority.”
Kabilang sa mga proyektong ibinasura ng mga konsehal ni Lobregat ay ang pagtatayo ng isang police station sa malayong barangay ng Labuan at paaralan bukod sa mga iba pa.
Sinabi pa ni Climaco na mananagot sa publiko ang mga kumontra sa mga proyekto na pakikinabangan sana ng taong-bayan.
Naunang hinamon ng mga kaalyado ni Climaco si Lobregat na tumakbo bilang mayor kung talagang magaling ito, ngunit idinahilan ng beteranong pulitiko na mahalaga sa kanya ang pagtatanggol sa Zamboanga laban sa Bangsamoro Basic Law kung kaya’t re-election ang pinili nito kaysa banggain si Climaco.
Nais rin ni Lobregat na siya ang masunod sa dami ng bilang ng mga kandidato sa pagka-konsehal ng magtangka itong makipag-usap kay Climaco. Gusto ni Lobregat na lamang ito sa dami ng kandidato sa Konseho at humingi pa ng tulong kay Liberal Party president candidate Mar Roxas upang himukin si Climaco, ngunit hindi naman ito nagpatinag o nagpadikta kay Lobregat.
Maging si Mario Yanga na tumatakbong mayor ay nakisawsaw na rin sa mga isyu na inilutang ni Lobregat. Kaibigan rin ni Yanga si Lobregat. 
Samantala, nagpasalamat naman si Climaco sa malaking suporta na nakukuha nito sa publiko at kahit saan mangampanya ay naguumapaw ang mga tao makita at mapakinggan lamang ang sasabihin nito.  (Mindanao Examiner)


No comments:

Post a Comment