DAVAO CITY – Patay ang isang parak matapos itong tirahan ng mga di-kilalang armado sa bayan ng Pantukan sa Compostela Valley province sa magulong rehiyon ng Mindanao.
Nabatid na ang biktimang si PO1 Bryan Relampagos, 27, ay miyembro ng Regional Public Safety Battalion at tubong-Davao City. Galing umano ito sa isang beach resort sa Barangay Tambongon kasama ang isang 19-anyos na babae ng siya ay lapitan ng 4 lalaki at saka binaril. Naganap ito kamakalawa, ayon sa pulisya.
Nakuha pa umanong bumunot ng baril ang parak at pinaputukan ang grupo, ngunit hindi naman ito tumama sa sinuman. At doon ay muli siyang pinagbabaril hanggang sa mapatay.
Tinangay rin ng mga armado ang armas ng parak, gayin rin ang kanyang motorsiklo. Hindi naman nasaktan ang babaeng kasama ni Relampagos. Hindi pa malinaw ang motibo sa pagpatay sa parak o kung mga rebeldeng New People’s Army ba ang nasa likod nito. (Mindanao Examiner)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

No comments:
Post a Comment