COTABATO CITY – Mahigpit ang siguridad ngayon sa Maguindanao at North Cotabato matapos ng dalawang pagsabog doon na ikinasugat ng 4 katao.
Pawang mga tauhan ni South Upi Vice Mayor Remegio Sioson ang sugatan. Nakaligtas naman si Sioson sa naturang atake na naganap kamakalawa sa Barangay Pandan. Tumatakbo si Sioson bilang alkalde sa ilalim ng PDP-Laban sa magulong lalawigan ng Maguindanao.
Nangangampanya umano ang grupo ni Sioson ng sumabog ang bomba na iniwan sa gilid ng kalsada.
Sa North Cotabato province, isang fragmentation grenade rin ang inihagis sa bahay ni Muhyryn Sultan Casi, ang mayor ng bayan ng Pikit. Walang inulat na sugatan sa pagsabog. Si Casi ay tumatakbo bilang vice mayor sa nasabing bayan at ang ama nitong si Sumulong ang kanyang running mate sa pagka-alkalde sa ilalim ng Liberal Party.
Walang umako sa dalawang atake, ngunit malaki ang paniwala ng pulisya na konektado ito sa pulitika. (Mindanao Examiner)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

No comments:
Post a Comment