FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, September 29, 2017

NPA hinimok na sumuko at magbagong-buhay

ZAMBOANGA CITY – Muling hinimok ng militar kahapon ang mga rebeldeng New People’s Army sa Western Mindanao region na sumuko na lamang at samantalahin ang alok ng amnestiya ng pamahalaan at tuluyang magbagong buhay.
Ito ay matapos na alukin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang NPA na sumuko ng mapayapa at bibigyan pa umano ng lupa at bahay bukod pa sa pagpasok sa militar bilang sundalo.
Kamakalawa lamang ay 7 rebelde ang agad sumuko sa bayan ng Ipil sa Zamboanga Sibugay province, ayon kay Major General Rolando Joselito Bautista, commander ng 1st Infantry Division at ng Joint Task Force ZamPeLan (Zamboanga Peninsula at Lanao).
Kinilala naman nito ang mga sumuko na sina Henry Bawan Becsala, Benbin Gumandag Mandaw, Mario Oksik Maghanaoy, Lauravel Obaran Niadas, Villa Neadas,Marcelino Gumangay Lavares at Joseph Gumangay Lavarez.
Ibinigay rin ng mga ito ang dalawang AK-47 assault rifles at isang .45-caliber pistol sa kanilang pagsuko sa 102nd Brigade. “This recent surrender is a result of the combined intelligence and combat operations being launched by our troops on the ground to employ more pressure and compel the communist terrorists to lay down their arms.There is an ongoing facilitation on the resolution of two surrendered NPA members, and the CLIP benefits will be done after this will be resolved,” ani Bautista.
Ang CLIP ay ang Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan sa mga rebeldeng NPA upang mabigyan sila ng bagong buhay at tulong. Matagal ng nakikibaka ang NPA upang maitatag ang sariling estado sa bansa. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper


No comments:

Post a Comment