FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Monday, September 11, 2017

Zambo jeep sumalpok sa puno, 5 isinugod sa pagamutan





Ang pampasaherong jeep na sumalpok sa puno ng Acacia sa Barangay Lunzuran sa Zamboanga City na kung saan ay talamak ang overloading ng mga pasahero. (Mindanao Examiner Photo)

ZAMBOANGA CITY – Halos dalawang dosenang pasahero ang nasaktan matapos na sumalpok sa puno kahapon ng umaga ang isang pampasaherong jeep sa Zamboanga City.
Lima sa mga pasahero ang isinugod sa pagamutan dahil sa tinamong mga pilay at sugat ng bumalandra ang jeep - na sinasabing overloaded - sa malaking puno ng Acacia sa Barangay Lunzuran.
Iniimbestigahan ng pulisya ang naturang kaganapan, ngunit alibi ng tsuper na nakilala lamang sa pangalang Joel na nawalan umano siya ng preno kung kaya’t sumalpok ang sasakyan sa puno.
Hinihinalang nag-overtake ito o nag-counterflow habang mabilis ang sasakyan kung kaya’t bumangga ito sa puno. Talamak ang overloading ng mga pampasaherong jeep sa Zamboanga, partikular ang mga bumibyahe sa Lunzuran, at sa mga barangay sa silangan bahagi.
Maging ang mga bubungan ng jeep ay puno rin ng mga pasahero, bukod pa sa mga nakasabit, ngunit sa kabila nito ay mistulang inutil naman ang mga traffic enforcers dahil pinababayaan lamang nila ang mga paglabag sa batas sa kalsada ng mga abusadong drivers.
Problema rin ang mga jeep, tricycle at motorsiklo na malimit mag-counter flow na siyang nagiging sanhi ng mabigat na trapiko at peligro sa kalye. Wala rin ginagawa ang Land Transportation Office ukol sa mga overloaded jeep at tricycle. Talamak rin ang mga pedicab sa highway, gayun ipinagbabawal ito. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper


No comments:

Post a Comment