SULU - Limang crew members ng isang trawler ang dinukot ng mga armadong kalalakihan sa karagatan ng Sulu, isa sa 5 lalawigan ng magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Ayon sa ulat, naglalayag umano ang nasabing barko ng ito ay harangin ng mga armadong sakay ng speedboat sa karagatan ng bayan ng Pangutaran nitong gabi ng Sabado..
Nakilala naman ang mga dinukot na sina Sepriano Sardido, 53; Emo Fausto 63; Jonald Minalang, 24; at Joshua YbaƱez, 23, na pawang mga taga-Pagadian City sa Zamboanga del Sur; at si Vergel Arquino, 25, mula sa Davao City.
Walang umako sa panibagong pagdukot, ngunit malaki ang hinala ng pulisya sa lalawigan na Abu Sayyaf ang tumira sa grupo. Bihag pa rin ng Abu Sayyaf ang halos 2 dosenang dayuhan at Pilipino sa Sulu at karatig lalawigan ng Basilan na bahagi rin ng ARMM.
Tikom naman ang bibig ng mga opisyal ng Western Mindanao Command sa naganap sa kabila ng mga pahayag nitong “on the run” ang naturang grupo na kaalyado ng Islamic State. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
No comments:
Post a Comment