DAVAO CITY – Sinibak sa kanyang puwesto ang isang opisyal ng pulisya matapos diumano itong magwala at manutok ng baril sa tindahang kanyang iniiunuman sa Digos City sa lalawigan ng Davao del Sur sa Mindanao.
Nakilala ang opisyal na si Inspector Florante Retes na siyang station commander ng pulisya sa bayan ng Bansalan. Nabatid na sinabihan umano ng may-ari ng tindahan na magsasara na ito dahil sa malalim na ang gabi, ngunit dito na nagalit si Retes at nagbasag ng bote ng beer.
Hindi pa ito nasiyahan ay nanutok pa ng baril sa ginang na siyang may-ari ng tindahan. Agad naman umalis si Retes matapos na manggulo, ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay nakunan ng larawan sa cell phone ang pagwawala at panunutok nito ng baril at saka inilagay sa Facebook at ito ay nag-viral na.
Mismong si Senior Superintendent Samuel Gadingan, ang provincial police chief, ang nag-utos na sibakin umano si Retes. Pinaiimbestigahan na rin nito ang naturang kaso. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our NewsDigital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our NewsDigital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
No comments:
Post a Comment