ZAMBOANGA CITY – Pinatay ang isang negosyanteng Muslim dito na asawa pa ng pulis sa Zamboanga City na kung saan ay talamak ang patayan.
Nakilala ang biktima na si Asnor Alih, 40, at binaril ito sa kanyang ulo ng lalaking kausap nito sa Recodo kamakalawa ng umaga. Ayon sa pulisya, inasinta ng salarin ang noo ng biktima at tumagos pa sa likod ng bungo ang bala.
Sa inisyal na ulat ng pulisya kahapon ay iniuugnay ang isang Murphy Asilin sa pagpatay kay Alih. Nabawi sa lugar ang isang basyo ng .45-kalibre pistol at pinaghahanap na rin ang suspek na agad tumakas.
Hindi pa mabatid kung bakit pinaslang ang biktima, ngunit sinabi ng pulisya na base sa mga salaysay ng ilang saksi ay nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawang lalaki at nauwi ito sa pamamaril.
Patuloy ang imbestigasyon sa kaso at hindi naman nagbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima at hindi rin inilabas ng pulisya ang pangalan ng asawa ni Alih, subali’t isa itong parak sa Zamboanga. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
No comments:
Post a Comment