FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, November 25, 2017

Teenager nagbebenta ng mga ahas, huli sa Zambo

ZAMBOANGA CITY – Dinakip ng pulisya ang isang teenager sa aktong nagbebenta ng ibang-ibang uri ng mga ahas, scorpion at alupihan sa harap ng paaralan sa Zamboanga City.
Hindi na nakapalag ang kelot matapos itong dakpin ng mga parak at kawani ng Department of Environment and Natural Resources sa Barangay Tumaga. Nabawi sa 17-anyos ang 2 paradise snake, isang wolf snake, isang file snake; 20 Madagascar hisser cockroaches, limang scorpion at 11 alupihan.
Mga estudyante at collector ng mga exotic animals ang umano’y mga kliyente ng teenager. Tumangi naman itong magsalita o sabihin kung saan nito nakuha ang mga ibinibenta na pawing mga endangered species.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act. Dahil sa menor-ed-edad ang lumabag sa batas ay ipinasa naman ng pulisya ito sa social welfare department.
Matagal na rin umanong nagbebenta ang kelot at may nagsumbong lamang sa pulisya kung kaya’t nabasyo ito. Lubha rin peligroso ang mga ahas na ibinibenta nito. Lahat ng nakumpiska ay ibinigay sa DENR. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper


No comments:

Post a Comment