FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, January 11, 2020

Gulo sa Iraq!

‘OFWs sa Iraq, Middle East hindi pipilitin umuwi’

HINDI NA umano pipilitin ng pamahalaang Duterte ang mga Pinoy workers sa Iraq na lumikas at umuwi sa Pilipinas kung ayaw nila.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa kabila ng unang balita na nais ni Pangulong Duterte na pauwiin sa bansa ang mga Pinoy sa Iraq at iba pang bahagi ng Middle East dahil sa iringan at posibleng digmaan sa pagitan ng Amerika at Iran.

“Unang-una, kung meron na talagang open hostilities, repatriation is out of the question kasi shooting war na eh. Now, with respect doon sa mga ayaw, paano natin pipilitin yun kung ayaw. We cannot forcibly drag them to a ship or to whatever to bring them out,” ani Panelo.

Tinatayang nasa 4,000 ang mga Pinoy workers sa Iraq at mahigit sa 1 milyon naman ang nasa Middle East region, ayon sa Department of Foreign Affairs at inilagay na nito sa Alert Level 4 sitwasyon doon dahil sa kaguluhan.  May mandatory repatriation order na rin ang ahensya dahil ito lamang ang tanging paraan upang mailigtas ang mga overseas Filipino workers sa tiyak na kapahamakan.

Sinabi pa ni Panelo na kung talagang ayaw umuwi ng mga Pinoy ay dapat nasa ligtas na lugar sila. “Palagay ko, if you will give them a choice between being placed in a safe place and coming home, eh pipiliin nila doon muna sa safe place. We have to place them in a safe place. Hindi naman sila kailangan umuwi habang nagkakaroon ng giyera doon o digmaan. Syempre hindi mo naman maiuuwi ’yan talaga eh. Hahanapan mo ng lugar na ligtas malapit dun like Saudi Arabia,” wika pa nito.

Sa kabila ng peligro sa Iraq ay patuloy ang pagdagsa ng mga Pinoy doon dahil sa malaking pasahod na kanilang tinatanggap. Umaabot umano sa mahigit P100,000 kada buwan ang tinatanggap ng mga Pinoy doon at mas malaki ito sa mga kampo ng militar at pagamutan.


Ang binansagang “Funeral Ceremony of the Martyrs of Resistance” sa Iraq na pinangunahan ni  Supreme Leader of the Islamic Revolution Ayatollah Seyyed Ali Khamenei para sa libing ni Lt. Gen. Qasem Soleimani na pinaslang ng Amerika kamakailan. (IRNA – Marziyeh Mousavi at Davoud Ghahrdar)



Nagsimula ang tensyon sa Iraq matapos na patayin kamakailan ng Amerika sa isang drone missile attack si Iranian Lt. Gen. Qassem Soleimani na pinuno ng Quds Force ng Islamic Revolutionary Guard Corps. Inatake naman ng Iran kamakailan rin ang mga kampo sa Iraq na ginagamit ng mga sundalong Kano bilang ganti.

Ipinadala naman ni Duterte si Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers Abdullah Mamao upang makipag-usap sa mga lider ng Iraq at Iran upang masigurong walang Pinoy na madadamay sa gulo kung sakaling lumala ito.

“Well, I have sent Secretary Mamao. He is a Maranao. He’s a Cabinet member. He’s my fraternity brother. I trust him. I’ve sent him to both Tehran and in Baghdad, if he can make it, to talk to the leaders about the plight of the Filipino workers. That is all there is to it. Just to get the assurance that my countrymen will have the egress just in case hell breaks loose in the Middle East,” ani Duterte.

Nagbanta si Maj. Gen. Mohammad Baqeri, ang Chief of Staff ng Iranian Armed Forces, na gaganti ng husto ang kanyang bansa kung muling aatake ang Amerika. At ito rin ang pahayag ni Iranian President Hassan Rouhani matapos na mapatay si Soleimani at sinabing “Iran reserves the right to take revenge by proportionate military action, and will do it.” (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates


No comments:

Post a Comment