ZAMBOANGA CITY – Umani ng matinding batikos ang courier company na LBC Express matapos na maantala ng husto ang mga cargo at parcels na ipinadala ng mga customers nito sa ibat-ibang lugar.
Isang customer ang nag-reklamo sa pahayagang Mindanao Examiner at sinabing inabot ng halos isang buwan bago dumating sa Zamboanga Strada pickup truck steel bumper na kanyang na binili sa Maynila noong Nobyembre 22.
Ilang beses umano nitong tinawagan ang LBC Express upang mag-reklamo subali’t pulos pangako lamang ang naging tugon ng mga empleyado. Hindi rin ma-access ang website ng LBC Express sa hindi mabatid na kadahilanan.
Maraming mga customers rin ang may tulad na problema sa LBC Express at dismayado sa serbisyo ng courier company.
Inamin rin ng pahayagang Mindanao Examiner na maging ito ay naging biktima rin sa mabagal at palpak na serbisyo ng LBC Express.
Isinalaysay nito na inabot ng mahigit sa 1 linggo ang ipinadalang mga pahayagan sa kanilang Kidapawan City Bureau at ang nag-turuan pa ang empleyado ng LBC Express sa Kidapawan at Cotabato City kung sino ang may sala.
Nabatid na maraming mga readers ng Mindanao Examiner ang pabalik-balik sa mga dealers, Ngunit bigong makabili ng pahayagan dahil hindi ito dumating sa takdang oras. Ganito rin ang sinapit ng kanilang Davao City Bureau at dahil sa naturang kapalpakan ay malaking halaga ng mga advertisements ang sinasabing nawala sa Mindanao Examiner.
Idinahilan ng LBC Express ang maraming cargo nitong nakaraang Disyembre kung kaya’t naantala ang mga cargo at parcels nito.
Na-eskandalo na rin ang LBC Express noong 2011 matapos na diumano’y magsara ang LBC Bank dahil sa hindi pagbabayad nito ng utang.
Matatandaang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla Jr. sa balitang inilabas ng ABS-CBN (https://news.abs-cbn.com/business/09/13/11/lbc-express-caused-banks-fall) na ang “LBC Express Inc. regularly accepted money-transfer transactions from millions of customers in the country and abroad but never bothered to settle the advances.”
Sinabi nito na ang “LBC Bank extended billions of pesos in cash advances to LBC Express for several years as part of its role as payout agent. Each time a customer remitted money to beneficiaries through one of the many offices of LBC Express in the Philippines, and abroad, LBC Bank advanced the money to the beneficiary, effectively extending the affiliate another credit. The problem is the credits were never settled. And because LBC Express failed to settle what it owed the bank, the steady buildup of cash advances became unmanageable and eventually too large that it broke the bank. The constant need to make cash advances slowly eroded the bank’s capital. Eventually, the capital deficiency resulted in the bank posting a negative capital account.”
Ayon sa Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC), ang LBC Bank ay may accumulated deposit liabilities na umabot sa P6.09 bilyon at assets na P5.5 bilyon lamang. Sinabi rin ng PDIC na: “The Philippine Deposit Insurance Corporation filed with the Department of Justice charges of syndicated estafa against 11 former Directors, officers and employees of the closed LBC Development Bank (LBC Bank) as well as two employees of LBC Development Corporation, an LBC Affiliate that is also a stockholder of LBC Bank, for misappropriating P60 million in LBC Bank's funds generated from the public by way of deposits.”
“Respondents were likewise charged with falsification of commercial documents under Article 172 of the Revised Penal Code, and for conducting business in an unsafe and unsound manner in violation of Republic Act 3591, as amended or the PDIC Charter. LBC Bank is a 20-unit thrift bank ordered closed by the Monetary Board and placed under receivership by the PDIC on September 9, 2011.” (Zamboanga Post, Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates

No comments:
Post a Comment