KORONADAL CITY – Tatanggihan umano ng pamilya ng pinaslang na overseas Filipino worker na si Jeanelyn Villavende ang posibleng pag-aalok ng blood money ng kanyang Kuwaiti employer bilang kabayaran sa malagim na sinapit ng Pinay sa kamay ng mga amo nito.
Nasawi sa gulpi si Jeanelyn at hustisya ngayon ang sigaw ng kanyang pamilya.
Ayon kay Abelardo Villavende, ang ama ni Jeanelyn, ay mariing tutulan nito ang anumang alok na blood money ng mga amo na anak at nais nitong mabitay ang mga pumatay sa kanyang anak.
Dagdag pa nito, na isang malakaing kawalang respeto kung magpapabayad lamang sila sa pumatay sa kanyang anak.
Ang 26-anyos na si Jeanelyn ay residente ng Baragay Tinago sa bayan ng Norala sa South Cotabato.
Sa ngayon, hinihintay parin ng pamilya ang resulta ng autopsy at bangkay ng biktima.
Samantala, tiniyak naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA-12) na mananagot ang mga sangkot sa pagkamatay ni Jeanelyn upang mabigyan ito ng hustisya.
Sinabi ni Nelly Padernal, ang tiyahin ni Jeanelyn, na hindi umano inaksyunan ng recruitment agency ang nangyari sa biktima na minaltrato sa kabila ng kakarampot na sweldong binibigay sa Pinay.
Dumating na rin kamakailan ang Bangkay ni Jeanelyn at base sa embalment certificate mula sa Kuwait, ang sanhi ng pagkamatay nito ay “acute failure of heart and respiration as result by shock and multiple injuries (in the) vascular and nervous system.” (Rhoderick BeƱez)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates

No comments:
Post a Comment