KIDAPAWAN CITY - Tatlong lugar pa rin sa bayan ng Makilala sa North Cotabato – ang Barangay Bato, Cabilao at Luayon - ang ideneklarang “No Dwelling zone” at 24 na mga barangay pa rin ang hindi mabalikan ng mga residente dahil sa pagiging delikado bunsod ng nakaraang lindol.
Sinabi ni Municipal Administrator Sheryl Orbita na ililipat naman sa kanilang temporary shelter sa Barangay Luna Norte ang mga evacuees ng Barangay Bato na ngayon ay nasa Bulacanon Elementary School.
Maaari lamang makabalik ang mga residente sa kanilang barangay tuwing umaga upang makapaghanap-buhay ngunit kailangan din nilang bumalik tuwing hapon sa mga evacuation camps.
Sinimulan namang gawin ng pamahalaang ng Makilala at ng barangay council ang mga bagong daanan ng mga residenteng babalik sa Barangay Bato dahil natabunan ng makapal na lupa ang kanilang dating daanan papasok matapos na magkaroon ng landslide sanhi ng lindol.
Tatahakin ng naturang bagong daan ang Barangay Malabuan at bago makarating sa Barangay Luayon. Nabatid na sa ngayon ay
pinagtutulungan ng maibalik ang mga nasirang imprastraktura sa mga apektadong barangay tulad ng tubig at kuryente.
Ayon kay Barangay Chairman Solociano Manggi, maraming mga residente ang nais ng maka-uwi at manirahan sa kanilang lugar. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates

No comments:
Post a Comment