FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Wednesday, January 22, 2020

Pinaslang na IP leaders sa Caraga umabot na sa 15

NASA MAHIGIT  kumulang 15 Indigenous People-leaders na ang binawian ng buhay dahil sa karahasang dulot ng Communist Party of the Philippines - New People’s Army (CPP-NPA) sa rehiyon ng Caraga.
Ayon kay Direktor Ferdausi Saniel Cerna ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Caraga, lubos na kinokondena ng komisyon ang pagpatay ng rebeldeng grupo sa mga IPs at tribal leaders. 

Napag-alaman na ito ay sa kadahilang ayaw nang magbigay suporta ng IPs kaya sila ay inaatake at pinapatay ng grupo.
“Sa Caraga, siguro nasa mahigit-kumulang 15 na yata ang napatay, puro IP leaders. Sa kadahilanan na ayaw na ng mga IPs na sumapi doon sa kabila na kilosan. Kaya po sila tinaguriang demonyo ng kabila kaya po sila pinatay,” ani ni Cerna.
Sinabi din ni Dir. Cerna na magmula nang masimulan ang implementasyon ng Executive Order 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay mas lumakas pa ang tiwala at mas naging aktibo pa ang mga ips sa ginagawang hakbang ng gobyerno upang labanan ang insurgency.
Dagdag pa ng opisyal, ang mga IPs ay likas na mapagmahal at ayaw ng gulo dahil nais lamang nilang mamuhay nang matiwasay sa kanilang komunidad.
Hiling ng opisyal na sa tulong na rin ng National Task Force To End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay malagyan ng patrol base o army detachment sa mga IP communities na apektado ng insurgency. Ito ay upang mas maprotektahan ang mga IPs mula sa karahasan at pang-aabusong dulot ng CPP-NPA.
“Mas maganda po talaga na magkaroon po ng patrol base o detachment at nang sa ganun po ay meron silang matatakbuhan sa oras na kakailangin nila ng tulong at maprotektahan ang mga buhay nila. Kasi nga nasa malayo po yung mga IPs natin,” sabi ni Cerna.
Sang-ayon din dito si Datu Jumar Bucales, Municipal Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) sa Lianga, Surigao del Sur, na minsang na ring na-ambush at nakaligtas sa karahasan ng CPP-NPA. Hiniling din niya ang proteksyon at mapagpatuloy pa ang programa at serbisyo ng pamahalaan sa mga komunidad ng rehiyon.
"Nais naming masiguro talaga ang proteksiyon ng IPs at kung ano man ang makabubuti para sa sektor ay sana maibigay ng gobyerno,” banggit ni Bucales.(By Jennifer P. Gaitano)


No comments:

Post a Comment