OUT OF STOCK na ngayon ang mga face mask sa ibat-ibang botika at pagamutan sa Zamboanga City dahil sa panic buying ng publiko sa gitna ng pangambang mahawa sa deadly Wuhan coronavirus mula sa China at kumalat sa maraming bansa, kabilang ang Pilipinas na kung saan ay may naitala ng casualty at maraming pasyente pa ang inoobserbahan ng Department of Health.
Sa kabila ng kakulangan ng supply ng face mask sa Zamboanga, sinasamantala naman ito ng ibang mga online sellers sa Facebook na nagbebenta sa mas mataas na halaga mula P20-P150 ang bawat isa. Nasa P2.50-P5 lamang ang regular na halaga ng face mask bago pumutok ang isyu ng coronavirus.
Naglagay na rin ng mga karatula ang ibat-ibang pasmasya na nagsasabing out of stock ang mga face masks at hindi pa matiyak kung kailan magkakaroon ng supply dahil sa dami ng mga taong bumibili nito sa takot na mahawa sa coronavirus na nagsimula sa Wuhan City sa lalawigan ng Hubei.
Kinumpirma rin ng DOH na isang Chinese tourist ang nasawi kamakailan sa San Lazaro Hospital sa Maynila at nasa pagamutan pa ang kasamahan nitong babae na dumating noong Enero 21 mula Hong Kong at inaalam pa ang mga posibleng nahawaan nila sa eroplano.
"The Epidemiology Bureau (EB) of the Department is currently conducting contact tracing of passengers aboard the flights of the two positive cases. EB has secured the manifestos of the flights and is in close coordination with the concerned airlines. Contact tracing activities are on-going in Cebu and Dumaguete, and in other places where the patients stayed and travelled to."
"The Philippine Government has already implemented a temporary travel ban for travellers coming from China, Macao, and Hong Kong. DOH is monitoring every development on the 2019-nCoV very closely and is taking proactive measures to contain the spread of this virus in our country. This health event is fast-evolving and fluid. We are continuously recalibrating our plans and efforts as the situation develop. We are providing the public with constant updates and advisories as frequently as possible, so all I ask from the public now is to heed the advisories from official DOH channels and to refrain from sharing unverified and invalidated information. I assure the public that we will keep you abreast of any information that we have," ani Health Secretary Francisco Duque.
Noong nakaraang buwan lamang ay nanawagan rin si Mayor Beng Climaco sa publiko na huwag mag-panic at wala pang naitalang kaso ng Wuhan coronavirus sa Zamboanga, ngunit hinakayat nito ang bawat isa na pamatilihin ang kalinisan sa katawan upang maiwasan ang anumang sakit. "Let us maintain cleanliness in our surroundings and proper hygiene to ensure good health," ani Climaco.
Sinabi nito na ang City Health Office ay nakikipatulungan na sa DOH, sa Bureau of Quarantine, at airport, gayun rin ang seaport authorities sa pagpapatupad ng mga health protocols at intensified screening procedures sa lahat ng mga pasahero sa barko at eroplano at partikular yun mga galing sa China at Malaysia upang masigurong walang Wuhan coronavirus sa Zamboanga. May mga kaso na rin ng coronavirus sa Malaysia, ani Climaco. (Zamboanga Post)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates

No comments:
Post a Comment